coup d’ grace (kú•de•grá) 1: biglaang pagpatáy upang hindi na maghirap ang sugatán o malapit nang mamatáy 2: mapagpasiyang salakay o pagkilos
D, d 1: ikaapat na titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na di 2: ikaapat sa isang serye o pangkat 3: sa ilang paaralan, pinakamababàng pasadong marka sa gawaing akademiko 4: a ikalawang nota o tono ng diyatonikong eskala ng C major o ikaapat sa kaugnay na eskalang A minor b eskala o key na nakabatay sa notang ito 5: pasulat o palimbag na representasyon ng D o d 6: tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik D o d
bi•ta•mí•na D : anuman sa bitamina D1, D2, D3, na natutunaw sa tabâ, matatagpuan sa gatas, langis mula sa atay ng isda, gaya ng cod, at ultrabiyoletang iradyasyon ng ergosterol